Kailan ka huling nagpalipad ng saranggola?
Ilang araw, buwan, o taon na ba
ang nakalilipas nung huling lumabas ka.
Hindi para magtrabaho o mag aral, kundi para magsaya at gumala.
Hindi ang saya na umaabot ng limandaan o isang libo,
kundi ang saya ng gaya sa isang batang bibo.
Bago mo mapalipad ang saranggola,
kailangan mong tumakbo, magpawis, at maghirap.
Gaya ng bawat pangarap na nais natin makamit,
kailangan tumakbo, maghirap, at magpawis.
Isang diyamanteng gawa sa papel,
sa paglubog ng araw, lumilipad sa langit na kahel.
Ngunit sa taas ng lipad ng saranggola,
mag-ingat at baka maputol ang tali kung saan ka nagsimula.
Posibleng lumipad masyado papalayo,
at tuluyang mawala, masira, o maglaho.
Pero wag kang mag-alala,
dahil ikaw ang may hawak sa tali ng saranggola.
ILLUSTRATION BY: Mylene S. Arceo