The Enterprise

The Official Student Publication of the School of Business and Accountancy
Depresyon
August 15, 2021
Tanaw
August 15, 2021

Tinatangi kita

Batid ko ang hirap na pinapasan mo,
Ang araw araw na pakikipagsapalaran mo para makausad kahit papaano,
Ang gabi gabing tahimik ngunit masakit na pag tangis mo,
Ang buong buhay mong pakikipagbakbakan na ang tanging sandata mo lang ay ang sarili mo.

Nakita kita sa sulok,
Malayo ang tingin, malalim ang isip,
Bakas na bakas ang kapighatain at kagulumihanan,
Pinuputol na ang pisi ng buhay at nais ng tuldukan.

Muli, nasilayan kita,
Umiiyak, humahagulgol,
Pagpapatiwakal na ang nagiging pakay,
Mga masasamang elemento na may buntot at sungay ay malapit ka ng itangay.

Marahil iniisip mo,
Katapusan na ng yugto mo,
Wala ng progreso,
Wala ng liwanag ang mundo.

Sa huling pagkakataon,
Namataan kita,
Iba na ang pigura,
Nakaramdam na ako ng paghilom at pag-asa.

Huminga ng malalim,
Ngumiti ng tunay at malawak,
Lumaban ng paulit-ulit,
Kumapit ng mahigpit.

Saksi ako,
Na kahit na labis na ang paghihirap at pagtatangis mo,
Kailanma’y hindi mo sinunod ang bulong ng demonyo sa isip mo,
Maligaya ako na sinunod mo ang bulong ng Panginoon na nagmumula sa puso mo.

Labis ang aking pagtangi sa’yo,
Ipagpatuloy mo lang ang paglaban sa mundo,
Ang paglubog ng araw ay hindi senyales ng pagkatalo,
‘Pagkat ang pagsikat ng araw ang magdadala sa iyo sa magandang paraisong nararapat at tinakda Niya sa’yo.

Lagi’t lagi mong tatandaan,
Sapat ka,
Nararapat ka,
Kamahal-mahal ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *